Blog Action Day (the late post)
[Note: This post wast intended for the Blog Action Day held last October 15, 2007 but I forgot everything about, until now.]
BLOG ACTION DAY 2007
October 15, 2007
NO TO SMOKING
========================================================================
This is my post for the BLOG ACTION DAY 2007 on October 15, 2007. This would be participated by thousands of bloggers around the globe reaching an estimated audience of five million that will talk about one issue: the environment. Here is my little contribution to the conscientious efforts to save the environment. I’ll be using Filipino and English in this post so please bear with me my dear dear foreign visitors.
========================================================================
Habang isinusulat ko ang pangungusap na ito, inaatake na naman ako ng ubo. Dalawang linggo na ito. Noong una, kinailangan ko pang magpahinga ng dalawang araw dahil nilagnat ako. Uminom ng gamot pero matapos nito hindi pa rin nawawala ang ubo ko. At ano ba ang maysala? Ang usok, bow.
Asar na asar ako sa tuwing may makakatabi ako na nagyoyosi. Mas lalo pang nakakinis ang mga smoke belcher na mga bus sa EDSA. Araw-araw na ginawa ng Diyos, umagang-umaga pa lang, bubugahan ka agad ng usok. Usok na dahilan ng libo-libong kamatayan ng mga Pilipino taun-taon dahil sa respiratory diseases. Usok na dahilan ng ubo ko ngayon.
At sa artikulong ito gagawa ako ng paninindigan laban sa isang bagay na dapat nang mabura sa ibabaw ng daigdig.
***
It all started with the recent implementation of NO SMOKING POLICY in the University of the Philippines. I was very happy about that. But again here comes the problem of implementation. Even up to now, many are still smoking in public places. It is also not clear if it prohibits the selling of cigarettes which I think is very much acceptable to control the smoker’s population. It’s just all in the paper. I have yet to see or hear news of a smoker being penalized for his act. Anyway, this is just a new policy and we have to wait for a few months to see how far can it go.
That is just the first step. Next step should be the perpetual ban on manufacturing cigarettes.
***
Siguradong marami ang mga tataas ang kilay oras na marinig ito. Sigurado rin na magbubuhos ng bilyun-bilyong dolyar na salapi sa buong mundo ang mga malalaking cigarette manufacturers upang pigilan ang pagsusulong nito. Baka nga kahit mismong mga gobyerno ay hindi papayag dito dahil sa napakalaking buwis na nakokolekta nila mula rito. Pero bakit ba kailangan na huwag nang payagan pa ang paggawa ng mga sigarilyo?
Sa kasalukuyan, mayroon tayong mga batas na nagtatakda ng matinding parusa laban sa paggamit, pagtutulak at paggawa ng droga. Mahulihan ka lamang ng sampung (10) gramo ng ipinagbabawal na gamot maaari ka nang makulong ng habambuhay. Ngunit pansinin ang mga ginamit na salita: ipinagbabawal na gamot.
Sa medisina, ang maliit na dosage ng shabu o ng marijuana ay nakakatulong upang makagaling ng ilang mga sakit. Ang barbiturates na isa pang klase ng ipinagbabawal na gamot ay nakakatulong sa paggaling ng mga taong kinu-kumbulsyon (convulsion). Ako mismo noong bata pa ako, ito ang ginagamit na gamot sa akin dahil nga sa may kombulsyon ako. Dahil rito napigilan ang maaari sanang kahantungan nito: ang epilepsy. Samakatuwid, ang ipinagbabawal lamang ay ang sobrang paggamit nito dahil sa nakakasama ngunit ang konting dosage nito ay nakagagamot.
May malinaw na patakaran sa mga gumagamit, nagtutulak at gumagawa ng ipinagbabawal na gamot. Ang mga nalululong sa droga ay ipinapadala sa rehab upang maipagamot at muling makapag-bagong buhay. Ang mga nahuhling nagtutulak ay kakasuhan ng paglabag sa Dangerois Drugs Act at makukulong ng walang piyansa. Ganun din naman ang mangyayari sa mga financier at manufacturer ng illegal na droga.
Ayon pa sa mga awtoridad, talamak na ang paggamit nito at naging pangunahin pa tayong pagawaan nito. Kaya’t matindi ang kanilang operasyon upang sugpuin ang paggamit at paggawa nito.
Eh ano naman ang kinalaman nito sa mga sigarilyo? Nariito ang sagot.
Sa kasalukuyan, legal ang paggamit ng sigarilyo o paninigarilyo ng lahat ng nasa edad 18 pataas. Ngunit marami pa rin sa mga menor de edad ang nakakagamit nito lalo sa mga nasa high school. Wala namang malinaw na patakaran kung ano ang gagawin sa mga naninigarilyo ng wala sa wastong gulang. Bilyun-bilyong piso ang naibibigay na buwis nito. Sinasabi din na bahagi na ito ng ating kultura. Noon pa man, naninigarilyo na ang ating mga ninuno. Kaya’t kung may pagtatangka na ipagbawal ito mahihirapan tayo.
***
Alam nating lahat, kahit noong mga nainigarilyo na walang naidudulot na maganda ang paninigarilyo sa ating kalusugan maging sa kalikasan. Pero, sasabihin naman ng mga naninigarilyo na nakakatulong ito para ma-relaks ang kanilang pakiramdam at malinawan ang kanilang pag-iisip. O di kaya nakakapagpawala ng kaba at ginaw. Pero aminin nila, panandalian lang ito. Kapag wala ka nang hinihithit na sigarilyo, balik ulit sa dati. Kaya naman, magsisindi ka pa ng isa upang magpatuloy ang dulot nitong “ginhawa.”
Naging “status symbol” na rin ito lalo sa mga ka-edad ko. Cool ka kapag naninigarilyo ka. Sikat ka kapag kaya mong bilugin ang usok na ibinubuga mo sa bunganga mo. Feeling mayaman ka. Astig ang dating mo. Tingnan natin kung astig ka pa kung nakahiga ka na sa ataul.
Taun-taon libu-libong Pilipino ang namamatay dahil sa respiratory diseases na sanhi ng paninigarilyo. Ngunit ang masaklap, may ilan na namamatay dahil lamang sa “second-hand smoke” o may kasama siya na isang naninigarilyo. Nadadamay siya sa isang gawaing walang kakwenta-kwenta. Sayang lang ang kaniyang kamatayan. Sayang din ang kamatayan ng mga smokers na ito ng dahil lamang sa nakakaadik na nicotine. Sa isang gawain na walang naidulot na tunay na kagandahan sa kanilang buhay.
***
Ngayon ito ang punto ko. Kung ang shabu, na sa maliliit na dosage, may naitutulong sa panggagamot ay ipinagbabawal natin, bakit ang sigarilyo, na kahit pakonti-konti lang ang gamit mo (na hindi naman ata makatotohanan dahil nakakaadik nga ito at mapapasigarilyo ka ng madami ng hindi mo nalalaman), na nakakasira na ng kalusugan, nandadamay pa ng ibang non-smokers at pati na ang kalikasan ay hindi natin ipagbawal?
Dahil daw sa bilyong piso na kita na mawawala sa gobyerno. Aba teka, kwentahin niyo nga ang nagagastos ng pamahalaan pati ng mga pribadong indibidwal sa pagkakasakit na dulot nito, higit pa siguro sa kinikita nito mula sa buwis ng sigarilyo at tabako. Paksyet.
***
Nagiging creative daw ang isang tao kung may bisyo. Kaya karamihan sa mga pintor, manunulat o kompositor, kung hindi man malakas tumagay, malakas magyosi. Nakakawala daw ng tensyon.
Pero pansamantala lamang ang mga ito. Dahil makalipas lang ang ilang taon na pagkaadik sa sigarilyo, lalabas na ang mga epekto nito.
***
Hindi ko naman kelangan pang magpaliwanag ng napakahaba. Dahil alam naman nating lahat na masamang manigarilyo. Common sense.
MAHIGPIT NA IPAGBAWAL ANG PAGGAMIT AT PAGGAWA NG SIGARILYO.
NO TO SMOKING!
NO TO CIGARETTES!
PERPETUALLY BAN THE MANUFACTURE AND USE OF THESE FILTHY, POISONOUS AND DANGEROUS STICKS.



» Post a Comment